Puso o Isip?

Lakandiwa:
Mga kamag-aral magandang umaga sa inyong lahat
Ako nga pala si ____ ang lakandiwa sa ating balagtasan
Ngayon ay simulan natin ang balagtasan sa isang masigarbong palakpakan
Ating malalaman kung ano marapat sundin pagdating sa pag-ibig puso ba talaga o isip?
Sino sa dalawa ang mananaig?
Sa panig na dito ay ang panig ng isip dito naman ay ang panig ng puso
Ngayon pakingan natin ang pangatwiran ng bawat panig simula sa panig ng puso


Puso:
Sa ating buhay puso ay kailangan
Di bale't maghirap basta tayo ay nagmamahalan
Ano ba ang silbi ng isip sa pag-ibig kung palaging salapi at praktikalan?
Sasaya ka ba talaga? O habang buhay kang mag-iisa?


Isip:

Ano naman ang gagawin ninyo sa araw-araw na kakanin?
Mga anak na nanglilimos di natin na pansin
Kung naging praktikal sana at isip ay ginamit
Walang maghihirap magandang buhay sana ang haharapin


Puso:

Di bale't mahirap ika nga till death do as part
Walang awayan at kaguluhan kung puso ang pipiliin
Sa totoong pag-ibig makikita ang kaligayahan
Ito ang kayamanan na kelan man di mapapantayan


Isip:

Mahal na ang bigas ngayon at iba pang bilihin
Kung mahal ka talaga niya, di ka naghihirap
Isipan ang iyong piliin
Hindi nakakabusog ang tunay na pag-ibig
Kung isip ang pipiliin mo kahit ano ay makukuha
Bahay. kotse, pagkain kahit ilan pa yan ay pwede!


Lakandiwa:

Ako rin ay nahihirapan, sa puso o sa isipan
Mahirap makapagdesisyon, ako'y lubhang naguguluhan
Sa pusong pag-ibig na wagas? O sa isip na di ka naghihirap?
Ano ang mas mahalaga?
Sino ang mas nananaig?
Mga tanong na kayo lang ang makasasagot
Sa huli ang Diyos lang tayo manalig
Puso man o isip ang importante'y ito'y mapanindigan natin